red stiletto shoes
Reflections,  Tagalog Writings

Makapangyarihang Sapatos

Kung sabagay may punto ka naman..

  • Tama ka sa sinabi mong dapat nag flats o rubber shoes o tsinelas na lang sya nung humarap sya sa debate. Mas kumportable nga naman, hindi ba?
  • Tama ka din sa pagtatanggol mo kay Meldific na yung ibang sapatos nya ay regalo sa kanya o di kaya bigay ng mga magagaling na sapatero sa Marikina. Yung iba.
  • Tama ka din sa pagbanggit mo sa mga sapatos ni Heart Evangelista na inihambing mo sa koleksyon ni Meldific. Mga luxury brands nga naman.
  • Tama ka din sa pagtataka mo kung bakit ba natin pinaguusapan pa itong si Melditang Meldific eh si Baby M naman ang tumatakbo bilang presidente sa kampo nila, hindi naman sya.

Kung sabagay may punto ka nga kaso bulag ka..

  • Bulag ka dahil hindi mo pa rin makita na PRESIDENTE NG PILIPINAS ang posisyon na inaaplayan nya, hindi sports coach o di kaya pre-school teacher.
  • Bulag ka dahil hindi pa rin makita ng mga mata mo na propesyonal na debate ang dinaluhan, hindi gym o ktv o di kaya peryahan ng bayan. Tunay ngang napaka bulag mo dahil hindi mo pa rin makita na sa konsepto ng propesyonalismo, malaking bagay ang sinisimbolo ng sapatos. Ang pagsuot ng tamang pares nito ay dapat naaayon sa lugar, okasyon at layunin.
  • Mukhang hindi rin yata malinaw sayo na ang posisyon ng isang presidente ay hindi kumportable. Katulad yan ng pagsusuot ng high heels.

May punto ka naman kaso bulag ka..

    • Saksakan ka ng bulag na ni minsan hindi mo ipinagtaka na bakit hindi na lamang ibinenta ni Melditang Meldific ang mala-reyna nyang koleksyon kung totoong pinangatawanan nya ang pagiging “Ina ng Bayan”.

    Niregalo, ang iba.
    Ang KARAMIHAN, binili,
    GAMIT ANG KABAN NG BAYAN MO.

    • Ulitin natin, bakit kailangan kolektahin at sambahin?
      Ano ang sinisimbolo ng kanyang pagsamba?
      Hindi naman naisuot ang lahat.
      Hindi rin naman nagtubo para sa karagdagang kaban ng Pilipinas.
    • Kung ibinenta, di sana nalunasan nya ang problema ng mga kumakalam na sikmura ng mga taong KUNG TAWAGIN NYA’Y “dukha, maralita at pobre”. Maaring ikaw yan o di kaya ang pobre mong angkan na naghirap at nagutom sa KASAKIMAN NG TINITINGALA MONG “Ina ng Bayan.” Masyado mo naman ibinaba ang sarili mo na hinayaan mo na lang syang tawagin ka nya ng ganyan — “POBRE”, MALIIT, MABABA at WALANG DANGAL  sa paningin ya.
    • Ang tinatawag mong ina na ni minsan hindi nag rubber shoes o tsinelas at di kinayang magpaa nang rumampa sa pobreng lansangan at bahayan, habang nagpapaulan ng pera..
    • Pera na GALING naman talaga sa pinagpaguran mo.
    • Pera na naging utang mo pa sa ibang bansa na wala kang kaalam-alam.

    Ina kamo?

    • Bakit ka ginutom ng melditang meldific na ina mo?
    • Bakit tila yata sya ang binusog mo?
    • Hindi ba dapat, bilang “ina”, sya dapat ang gumawa nyan sayo?

May punto ka na sana kaso ang laki mong bulag..

  • Sobrang bulag ka, nawala kana sa katinuan na inihambing mo pa si Heart kay Meldific, dalawang taong hinding-hindi magkatulad.

Si Heart ay isang mabuting artistang nagtatrabaho at binabayaran ng mga luxury brand names sa Europa, Amerika, Asya at sa iba pang sulok ng mundo upang iendorso ang kanilang mga produkto tulad ng mga damit, bags at sapatos. TRABAHO ang tawag dyan, hindi materyalismo!

Nakalimutan mo na din yata na anuman ang binili ni Heart ay galing sa pinagtrabauhan nya. Hindi sa bayan at lalong hindi sayo.

  • Si Meldific ay pawang SAKIM at SUMASAMBA SA PERA. Ito ay malinaw na makasariling bisyo at pagwaldas sa kaban ng bayan NA GALING SA BULSA MO upang mapunan ang materyalismo nyang pamumuhay.
  • Paalala lang ulit ha, HINDI SYA REYNA NG PILIPINAS o artista. Sya ay NAGING First Lady ng bansa at naupo bilang isang lingkod ng bayan na dapat sana’y pinagsilbihan nya, hindi kabaligtaran.

Pinagsilbihan hindi...

  • Ninakawan.
  • Inutakan…
  • Pinagsamantalahan..

Matanong nga kita..

Ikaw ba, pinagpapaguran mo ba ang meron ka o katulad ka din ba ng pamilyang idolo mo na pinagsasamantalahan ang mga tao sa paligid mo o di kaya ninanakaw mo lang ang lahat ng gusto mong makuha?

May punto ka na sana kaso hanggang ngayon bulag ka talaga..

  • Bulag ka dahil nabulag kana ng pagmamanipula ni Meldific sa Pilipinas, sa mundo, at pati na rin sa pamilya nya.
  • Nalihis na sa katinuan mo na ang imahe, narating at talino ng ama ay wala sa anak.

Bakit mo pinagkakatiwalaang ilukluk ang taong wala pang napapatunayan sa bayan mo?

  • Nalihis na rin yang pagiisip mo na bagamat ang kasalanan ng magulang ay hindi nangangahulugang kasalanan din ng anak, ang hindi pagtanggap ng kamalian ng magulang nya at ang hindi paggawa ng paraan upang maitama ito ay nangangahulugan na ang kasalanan ng magulang ay KASALANAN NA RIN NG ANAK.

Sa sobrang bulag mo, nalimot mong nakasulat yan sa BIBLYA.

  • Bulag na bulag ka dahil hindi mo pa rin makita na si Baby M ang nilalagay sa front seat, biktima ng sarili nyang ina, ginagamit upang buhayin nyang muli ang PANTASYA NYANG PAG-AARI NILA ANG BUONG PILIPINAS. Marahil kulang pa siguro ang mga koleksyon nya at mga gintong kinimkim nila sa yaman ng bayan mo.

SAYO ANG PILIPINAS, Kaibigan.

Hindi kanila!

  • Sobrang bulag mo dahil hindi mo makita na ang Melditang Meldific ang nasa likod ng lahat at pilit mo itong kinokondena.

Ang totoo?..

AYAW MONG MASIRA ANG PANTASYANG PINANINIWALAAN MONG TOTOO.

Bulag ka nga.

Nakakalungkot na nakakatawa. Ang kapangyarihan ng sapatos ay maaari itong MAGPALAWAK o MAGPABULAG ng iyong kaisipan. Maaari mong patuloy na pintasan ang pagsuot o paglukas nito. Maaari mo rin pintasan ang itsura, kalidad at gawa nito.Maaari mo rin pintasan kung sino ang nagsusuot nito.

Ngunit, sana sa kabila ng lahat ng pinipintas mo, SANA HINDI KA MABULAG ng tuluyan sa kung ano ba ang TOTOONG IPINAPAKITA at IPINAPAHAYAG ng isang sapatos sayo.

Sapatos pa more?
No more! Never again!
Isang sapatos lang sapat na dapat upang magising ka, Kaibigan.

Wag kang bulag.
Wag ka ng magpabulag.
Gumising ka!
Gumising kana alang-alang sa bayan mo!

 | Image by Castorly Stock on Pexels |

"Sana sa kabila ng lahat ng pinipintas mo, sana hinda ka mabulag ng tuluyan sa kung ano ba ang totoong ipinapakita at ipinapahayag ng isang sapatos sayo."
MST3RI

WRITER | AUTHOR | ARTIST ---- I am a traveler of life, a believer of faith, and true love. I live to advocate change. I write for the chronicles of God's Light. In my stillness, I am an artist, stroking the Language of Light. I am MST3RI, a woman of courage, and a queen of my own destiny."

error

Share this blog. Inspire someone!

error: Content is protected!!