Jeepney artwork by MST3RI (No to Jeepney phaseout!)
Reflections,  Tagalog Writings

No To Jeepney Phaseout

Isang pagpupugay sa ating mga jeepney drivers. We say yes to jeepney modernization. But we loudly say “No to jeepney phaseout!”
 
Isang sigaw para sa mga Filipino drivers na walang sawang tinataguyod ang pamilya gamit ang kanilang mga jeepneys. Isang pagbibigay halaga sa sakripisyo nilang maihatid tayo sa ating destinasyon sa gitna ng init, ulan, baha at ano mang peligro sa kalsada.
 
 

Hari ng Kalsada

Ang ating Philippine jeepney ay isa sa mga pinakamahalagang simbolo ng ating pagka Pilipino. Ito rin ang isa sa mga gustung-gustong ma-experience ng ating mga turista. Philippines will not be as fun, as we say, if the cheerful colors and sounds of our “Hari ng Kalsada” will never be seen and heard again on the roads of our beloved country. Imagine the Philippines without it. Para mo ng hinubaran ng pangalan sapagkat ito ang pinaka tumatatak na simbolo ng Pilipinas sa bawat tao at turistang bumibisita dito.

Tinatawag nating “Hari ng Kalsada”, ang jeepney ay isang mahalagang simbolo  ng Pilipinas. Higit dun, ito ay sumisimbolo rin sa sipag, tiyaga at katatagan ng mga Pilipino. Hari nga, ika nga natin.

The Philippine Jeepney is truly the “King of the Road.” And along its long benches are stories memories, and even lessons shared, created, and learned. We carry these to our destination. We bring them to our homes. They are imprinted in our hearts.

 
San tayo?
Saan nga ba tayo?
Malayu-layo pa ang lalakbayin.
Marami pang pupuntahan.
Hindi pa ako handang magsabi ng “para po!”
— by MST3RI
PATÓK - Novice Magazine Special Issue 12
PATÓK - Novice Magazine Special Issue 12
"San tayo? Saan nga ba tayo? Malayu-layo pa ang lalakbayin. Marami pang pupuntahan. Hindi pa ako handang magsabi ng 'para po!'"
MST3RI

WRITER | AUTHOR | ARTIST ---- I am a traveler of life, a believer of faith, and true love. I live to advocate change. I write for the chronicles of God's Light. In my stillness, I am an artist, stroking the Language of Light. I am MST3RI, a woman of courage, and a queen of my own destiny."

error

Share this blog. Inspire someone!

error: Content is protected!!