pink roses
Poetry,  Tagalog Writings

Rosas

Minsan ko ng ipinaglaban ang aking pangalan.

Ipinangako ko sa aking sarili na papalitan ko lamang ito kapag nahanap ko na ang tamang dahilan para isuko ito. — Sa tamang panahon. Sa tamang tao.

Syang tunay, ako nga ay nagiging emosyonal tuwing naririnig ko ang awiting, “Rosas” ni Nica del Rosario dahil hindi lamang ito mga liriko patungkol sa pagmamahal sa Bayan. Mga linya ito na sinasambit ang lahat ng klase ng pagmamahal.

At para sa isang babaeng walang hilig sa bulaklak, lalong-lalo na sa rosas, malaking pagbabago ito sa akin.

Ngayon, sa tuwing makakakita ako ng rosas, nakikita ko ang mga mukha ng pagmamahal. Isama mo na yung tunay na pag-ibig na kapag kinatok yang puso mo, hinding-hindi mo mahihindian.

Tanong ko sa aking sarili, “Paano mo ito tatanggihan kung ito ay galing sa at itinakda ng Maykapal?”

Korny na kung korny, ngunit kung pipiliin ko man maglakad sa pasilyo ng simbahan na naka-kulay rosas na sapatos, masarap marining ang awiting ito.

“At hindi ko maipapangako.

Ang kulay rosas na mundo para sa’yo.

At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino pero sisikapin ko

At hindi ako magpapahinga

Hangga’t hindi mo pa magawang muling ipagmalaki

Na ikay’s isang…”

ROSAS. Simbolo ng radikal na pagmamahal.

Pinaka malalim na pagpapatunay ng buong-buong respeto at tiwalang may karangalan sa taong mahal mo. Ito ay hindi madaling mahanap. Hindi rin ito madaling patunayan. Ngunit ito ang pinaka matatag. At ito lamang ang aking pipiliin at paulit-ulit kong pipiliin. Radikal na pagmamahal.

 | Image by Pixabay on Pexels |

"Ito lamang ang aking pipiliin at paulit-ulit kong pipiliin."
MST3RI

WRITER | AUTHOR | ARTIST ---- I am a traveler of life, a believer of faith, and true love. I live to advocate change. I write for the chronicles of God's Light. In my stillness, I am an artist, stroking the Language of Light. I am MST3RI, a woman of courage, and a queen of my own destiny."

error

Share this blog. Inspire someone!

error: Content is protected!!