face the palm sign
Poetry,  Tagalog Writings

Walang Kwenta

Gaano ka man katalino..
Gaano ka man kapopular..
Gaano man kapino ang pag-uugaling ipinapakita mo..
 
Gaano ka man kataimtim nagdarasal sa Diyos 
sa bawat yapak mo sa simbahan..
Gaano mo man kasinserong sambitin 
na malakas ang iyong pananampalataya sa Diyos..
 
Gaano man kalaki ang iniwan mong pangalan..
Gaano man kamangha-mangha ang mga itinayo mong pundasyon..
Ang lahat ng ito ay bale wale naman talaga.
 
 
Sa paulit-ulit mong pagsisinungaling..
Sa kawalan mo ng kababaang loob..
Sa tigas ng iyong pagka hambog..
Sa kapal ng mukha mo sa kapangyarihan..
Sa bulok at imoral na palakad sa pamilya mo..
 
Sa walang konsensyang pagnanakaw mo, patago man o harapan..
Sa pandaraya mo sa tiwala na ibinigay nila sa’yo..
 
Sa mga pangaabusong ipinataw mo sa kanila..
SILA na kulang ang talino,
SILA na walang kapangyarihan,
SILA na pobreng walang kalaban-laban,
SILA na nauwi na nga sa kamatayan at kawalan..
 
Sabihin mo sa akin, mayroon bang dapat ipagbunyi?
 
Anong kabuluhan mo bilang tao
na dapat kong respetuhin at pagkatiwalaan? 
Wala.
Wala kang kwenta!

 | Image by Ellie Burgin on Pexels |

"Anong kabuluhan mo bilang tao
na dapat kong respetuhin at pagkatiwalaan?"
MST3RI

WRITER | AUTHOR | ARTIST ---- I am a traveler of life, a believer of faith, and true love. I live to advocate change. I write for the chronicles of God's Light. In my stillness, I am an artist, stroking the Language of Light. I am MST3RI, a woman of courage, and a queen of my own destiny."

error

Share this blog. Inspire someone!

error: Content is protected!!